Nandito rin sa Davos, Switzerland ang pitong pinakamalalaking businessmen sa Pilipinas, para dumalo at sumuporta sa partisipasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 2023 World Economic Forum.
Binubuo ng mga ito sina:
Sabin Aboitiz (Aboitiz);
Kevin Andrew Tan (Alliance Global);
Jaime Zobel de Ayala (Ayala Group),
Lance Gokongwei (JG Summit Holdings);
Ramon Ang (San Miguel Corp.);
Teresita Sy-Coson (SM Investments); at
Enrique Razon (International Container Terminal).
Matatandaan na maliban sa mga bigating mga negosyanteng ito, nasa Switzerland din ngayon ang official delegation ng pangulo na kinabibilangan ng mga government officials, partikular ang economic team ng gobyerno.
Ang World Economic Forum ay nagtalaga ng Country Strategy Dialogue para sa Pilipinas, isang magandang pagkakataon ito para mai-promote ang bansa bilang Lider At Driver Ng Pag-Unlad Sa Asia-Pacific Region.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na inaasam niya na maipaalam sa international community ang mga gains na patuloy na tinatamasa ng kanyang administrasyon para sa ekonimiya.
Maliban sa mismong forum at question and answer, hinihintay na rin ng pangulo ang mga pakikipagpulong sa sidelines ng World Economic meeting.