Pitong porsyento sa kabuuang populasyon ng PNP, ayaw pa rin magpabakuna kontra COVID-19

Hindi pa rin lahat ng miyembro at mga opisyales ng Philippine National Police (PNP) ay gustong magpabakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa harap nang pagsisimula na rin ng bakunahan sa A4 category sa PNP.

Aniya, may pitong porsyento pa sa mahigit 200,000 police force ang duda pa rin sa bakuna kontra COVID-19.


May kaniya-kaniyang rason aniya ang mga ito kung bakit ayaw magpabakuna at dahil walang sapilitang nangyayari, umaasa si PNP chief na sa mga susunod na buwan ay mahihikayat na ang pitong porsyento ng pulis na magpaturok na rin ng bakuna.

Sa ngayon, magpapatuloy lamang ang PNP sa information campaign patungkol sa kahalagahan ng bakuna para mahikayat hindi lang ang mga pulis kundi maging ang mga sibilyan na magpakuna para maabot ang 70 percent herd immunity na target ng gobyerno.

Facebook Comments