Pitong pulis na pumasok sa bahay ng retiradong guro sa Imus, Cavite, pinasisibak na sa serbisyo

Pinasisibak na sa serbisyo ang pitong pulis na pumasok sa bahay ng isang retiradong guro sa Imus, Cavite noong buwan ng Agosto.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO acting Chief Col. Jean Fajardo, ngayong araw ay pinirmahan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service para sa dismissal from the service ng mga pulis.

Ang pitong na pulis ay nahaharap sa kasong 2 counts of less grave of misconduct, 6 counts of grave misconduct, 1 count of grave irregularity in the performance of duty, grave dishonesty at conduct unbecoming of a police officer na may maximum penalty na dismissal from the police service.


Binibigyan ng sampung araw ang mga ito para magsampa ng motion for reconsideration.

Samantalang ang kanilang Chief of Police at iba pang police officers na kasamang nakasuhan ay wala umanong nakitang substantial evidence sa mga ito.

Magkagayunman, sasailalim pa rin sila sa pre-charge investigation para sa neglect of duty.

Ayon kay Col. Fajardo, binigyan na ng direktiba ni Gen. Acorda ang Directorate for Investigation and Detective Management para magsagawa ng imbestigasyon sa mga ito sa ilalim ng doctrine ng command of responsibility.

Facebook Comments