Pitong Pulis Na Sangkot Sa Pagdukot At Pangingikil Sa Tatlong Koreano Sa Angeles City, Pampanga – Dinala Na Sa Camp Cram

35

MANILA – Dinala na sa Camp Crame ang pitong pulis na nasasangkot sa pagkidnap at pangongotong sa tatlong Koreano sa Angeles City, Pampanga.Ala una singkwenta ngayong hapon nang makarating sa Camp Crame ang pitong pulis na sina:PO3 Arnold Nagayo;PO3 Roentjen Domingo;PO2 Richard King Agapito;PO2 Ruben Rodriguez;PO3 Gomerson Evangelista;Po1 Jayson Ibe; &PO1 Mark Joseph Pineda.Agad namang dinala ang mga ito sa headquarters support unit ng PNP.Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na isailalim sa restrictive custody ang mga suspek na pulisHabang noong kamakawala ay nakatikim na rin ang mga ito ng mura at sermon kay PNP Chief nang magtungo ito sa Angeles City Police Office.

Facebook Comments