
Manila, Philippines – Pitong pulis ang nasawi sa naganap na giyera sa lungsod ng marawi habang animnaput isa ang sugatan sa ika limang buwan ng gulo sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Dir General Ronald Bato dela rosa kasunod ng idineklarang liberation ng Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Marawi.
Sinabi rin ni Dela Rosa na totoong malaya na ang marawi, dahil tapos na giyera sa lungsod.
Sa ngayon aniya ang prayoridad nila ay ang rebuilding sa kanilang Marawi City Police Station.
Masakit daw para sa kanila na makitang wasak ang kanilang police station kaya sa lalong madaling panahon ay kanila itopng aayusin kasabay ng pagtiyak ng mas mahigpit ng seguridad ang kanilang ipapatupad sa lungsod para sa sisimulang rehabilitasyon.
Facebook Comments









