Pitong sasakayan, inimpound matapos magsagawa ang I-ACT ng operasyon sa Pasig

Umabot ng pitong mga sasakayan ang naimpound ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) matapos nilang ikasa ang isang operasyon laban sa mga kolorum na sasakyan at sa hindi sumusunod sa mga health protocol sa bahagi Brgy. De Castro, Pasig City.

Ayon sa team leader ng nasabing operasyon na si Retired Colonel Deck Decena Jr., ang nasabing pitong mga saksakyan ay mga kolorum at dadalhin sa Pampanga para doon i-impound.

Kahapon, halos 23 ang mga nahuling sasakayan kabilang sa mga violation ay ang paggamit ng helmet na hindi standard at walang suot na helmet, walang seat belt, walang suot na face mask at face shield.


Katuwang ng I-ACT sa nasabing operasyon ay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office.

Sinabi ni Decena, ang nasabing operasyon ay kanilang tugon sa mga reklamong kanilang natatanggap kaugnay sa mga kolorum na mga sasakayan na bumibiyahe sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila at para matiyak na nasusunod ang kanilang ipinatutupad na 7 Commandments on Health and Safety Protocol sa mga pampublikong sasakayan.

Facebook Comments