Pitong sasakyan, nagkabanggaan sa La Trinidad, Benguet

Pitong sasakyan ang nasangkot sa banggaan kabilang ang dalawang motorsiklo, isang pampasaherong jeep, at apat na sports utility vehicle, sa Kilometer 4, La Trinidad, Benguet.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na sirang preno ang sanhi ng aksidente.

Ayon sa drayber ng jeep, naramdaman na niyang hindi maayos ang kondisyon ng sasakyan ngunit ipinagpatuloy niya pa rin ang pagmamaheno.

Sa kabila nito, inamin ng tsuper na siya ang dahilan ng banggaan.

Samantala, tatlong indibidwal ang nasaktan sa insidente at isa lamang sa kanila ang nananatili pa rin sa ospital.

Gayunpaman, natapos pa rin sa maayos na usapan ang mga sangkot sa aksidente.

Napagkasunduan na ang drayber ng jeep ang sasagot sa lahat ng gastusin para sa pagkukumpuni ng mga nasirang sasakyan at pagpapagamot sa mga nasaktan.

Facebook Comments