Pitong Silid Aralan Sa Bayan Ng Isulan, Sultan Kudarat, Nasunog.

36

KORONADAL – Umabot sa pitong silid aralan ng Bambad Elementary School sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat ang nasunog pasado alauna kaninang umaga.Tinatayang nasa 200 thousand pesos naman ang iniwang pinsala ng nasabing sunog batay na rin sa inisyal na assessment ng Bureau of Fire Isulan makaraang maabo ang mga silya, aklat at iba pang gamit ng mga estudyante at mga guro sa nasabing mga silid aralan.Ayon kay Fire Officer 1 Joffer Fortaleza Information Officer ng Bureau of Fire Isulan isa sa tiningnan nilang sinimulan ng sunog ang nag-overheat na ceiling fan base na rin sa testimonya ng duty guard ng nasabing paaralan.Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP Isulan sa nasabing sunog.Apektado naman ang mga estudyante sa grade six ng nasabing paaralan dahil sa pagkasunog ng kanilang classrooms.

Facebook Comments