Pitong staff ni Senator Win Gatchalian sa ‘Win Action Center’ sa Valenzuela, nagpositibo sa COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Valenzuela City Government na simula bukas Hulyo 27, pansamantalang isasara ang ‘Win Action Center’ ni Senator Sherwin Gatchalian sa Barangay Malinta, McArthur Highway sa Valenzuela City.

Ito ay para bigyang-daan ang disinfection sa tanggapan matapos na magpositibo sa COVID-19 ang pitong staff ng senador.

Nais makatiyak ng senador na maipatupad ang mga kinakailangan hakbang para mapangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado, publiko at komunidad laban sa pagkalat ng COVID-19.


Base sa pinakahuling datos ng Valenzuela City hanggang kagabi, nasa 1,040 na ang COVID-19 active cases sa lungsod, 1,687 ang mga kumpirmadong kaso, 598 ang mga nakarekober na at 49 ang namatay.

Isinailalim din sa community lockdown ang Bagong Kaunlaran Compound na tatagal hanggang Agosto 9, 2020.

Facebook Comments