Pitong tao na kumatay sa mga manok na apektado ng bird flu sa San Luis, Pampanga – negatibo sa H5N6 virus

San Luis, Pampanga – Nakalabas na ng ospital ang pitong kumatay ng manok sa San Luis, Pampanga na nakitaan ng sintomas ng bird flu.

Nagnegatibo ang pito sa H5N6 Virus o ang strain ng Avian Flu na naililipat sa tao.

Gayunman, sabi ni Health Sec. Paulyn Jean Ubial, patuloy ang kanilang monitoring kaya walang dapat ikatakot ang publiko.


Samantala, nanawagan naman ang Davao City Council Committee on Food And Agriculture na bumuo ng Mindanao-Wide Task Force para mag-monitor ng mga kaso ng bird flu.

Sabi ni Davao City Councilor Marissa Salvador-Abella, kapag nagpositibo sa bird flu ang isang bayan sa Mindanao ay madali na itong kakalat sa iba pang lugar sa rehiyon.

Ang Davao Region ay ika-anim sa pinakamalaking producer ng poultry products sa Mindanao.

Facebook Comments