Sumalang sa random drug test ang halos anim na libong tauhan ng National Capital Region Office (NCRPO).
Kabilang dito ang 22 na pulis mula sa 31 tauhan ng NCRPO na kasama sa 356 na nasa narco list ng Pangulo.
Ayon kay NCRPO Director Major General Debold Sinas, sa halos anim na libong isinalang sa drug test, pito ang nagpositibo sa iligal na droga na kinabibilangan ng 6 na police non-commissioned officer at isang police commissioned officer.
Sa mga nagpositibo sa droga isa ang kabilang sa narco list ng Pangulo na kinilalang si Police Staff Sergeant Ronald Carpio.
Sinabi ni Sinas, posibleng ito ang dahilan kung bakit kasama ito ngayon sa narco list ng Pangulo.
Aniya, di-nis armahan na nila ang mga pulis na nagpositibo sa droga at isasailalim na sa pre-charge investigation para sa kasong administratibo.