Nakapasok ang pitong unibersidad sa Pilipinas sa mga nagungunang unibersidad sa mundo na nakagawa ng global impact.
Ito ay batay sa World’s Universities with Real Impact (WURI).
Umangat ang pwesto ng Far Eastern University (FEU) sa Global Top 100 Innovative Universities na nasa ika-79 na pwesto mula sa dating 91st rank noong nakaraang taon.
Ang Biliran Province State University, Cebu Normal University, FEU Institute of Technology, Mariano Marcos State University, St. Paul University of the Philippines, at Tarlac Agricultural University ay pumasok sa 100-200 bracket.
Ang rankings ay batay sa performance indicators: ang industrial applications; value-creating statups and entrepreneurship; social responsibility; at ang student mobility.
Kinikilala rin ang creative at innovative approaches sa university research at education.
Ang Massachusetts Institute of Technology sa Estados Unidos ang nakakuha ng mataas na pwesto.