Thursday, January 22, 2026

PITONG WANTED PERSONS, ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON SA PANGASINAN

Arestado ang pitong wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan noong Enero 21, 2026.

Unang naaresto sa Sison, Pangasinan ang isang 61-anyos na lalaki na security guard at residente ng nasabing bayan. Isinagawa ang pag-aresto ng pinagsanib na pwersa ng Sison MPS bilang lead unit at Tuba MPS ng Benguet PPO sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Attempted Rape, na may inilaang piyansang Php120,000.00.

Sa San Carlos City, inaresto ang isang 33-anyos na lalaking residente ng Aguilar, Pangasinan. Isinagawa ang pag-aresto ng San Carlos City Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Estafa kaugnay ng RA 10175, na may inilaang piyansang Php18,000.00.

Naaresto rin sa Bani, Pangasinan ang isang 42-anyos na lalaki, may asawa at residente ng nasabing bayan. Isinagawa ang operasyon ng Bani MPS sa bisa ng bench warrant of arrest para sa paglabag sa RA 9165 sa ilalim ng Seksyon 11 at 12, na may inilaang piyansang Php20,000.00.

Samantala, sa Lingayen, Pangasinan, naaresto ang isang 42-anyos na babaeng residente ng nasabing bayan. Inaresto siya ng Lingayen MPS sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (tatlong bilang), na may piyansang Php6,000.00 bawat kaso.

Sa Urdaneta City, naaresto ang isang 33-anyos na babae na kasalukuyang residente ng Malasiqui, Pangasinan. Isinagawa ang operasyon ng mga intel operatives ng 105th MC, RMFB1 bilang lead unit, sa koordinasyon ng Urdaneta City Police Station, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Swindling o Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng PD 1689, kaugnay ng RA 10175, na may rekomendadong piyansang Php30,000.00.

Naaresto rin sa Sta. Maria, Pangasinan ang isang 50-anyos na lalaki, truck driver at residente ng nasabing bayan. Isinagawa ang pag-aresto ng Santa Maria MPS sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code, na may inilaang piyansang Php90,000.00.

Huli namang naaresto sa San Carlos City ang isang 50-anyos na lalaking residente ng nasabing lungsod. Inaresto siya ng San Carlos City Police Station sa bisa ng bench warrant of arrest para sa kasong Theft sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code, na may inilaang piyansang Php36,000.00.

Ang mga akusado ay nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng kaugnay na mga kaso.

Facebook Comments