Sinimulan na rin ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na gumamit muna ng kanilang sariling generator set para makatulong sa nararanasang energy crisis ng bansa.
Ayon kay PITX Government Relations Officer Jason Salvador, nagsagawa na sila ng mga hakbang para makatulong sa pagtitipid ng kuryente lalo na’t malaki ang kanilang terminal na tinututukan.
Lubos ding nababahala ang pamunuan ng terminal sa sitwasyon at pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas grid.
Mula 2 PM hanggang 4 PM at 6 PM hanggang 9 PM, ang kabuuang na-deload ng terminal ay umabot sa 13,159 kWh at nasa sa 9,019 ang kabahayan ang maaring makinabang dito.
Ang inisyatiba na ito ay dahil na rin sa pangako ng PITX sa United Nations Social Development Goals, partikular ang Goal 7 o Affordable and Clean Energy na nagsusulong sa pagpapatatag ng sapat at malinis na enerhiya sa bansa.