May libreng sakay ng bus papasok sa ilang bahagi ng Metro Manila ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ito ay matapos ilunsad ng Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Junior Chamber International Senate Philippines (JCISP) at Megawide Foundation ang serbus project.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport Mark De Leon – tatlong air-conditioned bus ang magbibigay ng libreng biyahe sa mga pasahero ng Lawton-Baclaran-PITX route at vice versa at Monumento-EDSA-Baclaran-PITX at vice versa.
Ang schedule ng biyahe ng mga bus ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.
Maliban dito, ang Philippine Coast Guard (PCG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay magbibigay ng libreng shuttle services kung saan tatlong bus units ang bumibiyahe mula SM Mall of Asia papuntang PITX mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-9:30 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.
Ang PITX ang kauna-unahang integrated at multi-modal terminal sa bansa na nagsisilbing transfer point sa mga provincial buses mula Cavite, Batangas at city buses ng Metro Manila.