PITX, maglulunsad ng Anti-Scam Watch ngayong Semana Santa

Maglulunsad ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng Online Bantay Lakbay o Anti-Scam watch.

Layon nito na maprotektahan ang mga pasaherong uuwi sa kanilang mga probinsya ngayong Semana Santa.

Partikular ang mga modus sa online na bumibiktima sa mga pasaherong nagpapa-book para sa pag-uwi sa mga probisya.


Katuwang sa naturang kampanya ang DOTr at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Sa Lunes nakatakdang magsagawa ng inspeksyon sa PITX ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments