Umapela ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Local Government Units (LGUs) ng Pasay at Parañaque City kaugnay ng paglipana ng mga kolorum na jeep at bus sa labas ng kanilang terminal.
Ayon kay PITX Corporate & Government Relations Head Jason Salvador, nalalagay sa peligro ang mga pasahero ng mga kolorum na sasakyan lalo na’t nagsisiksikan at hindi na makontrol ang mga pasahero na aniya’y labag sa health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sinabi ni Salvador na ang mga bus mula Cavite, Laguna at Batangas ay dapat dumaan sa PITX, alinsunod sa panuntunan na itinakda ng Transportation Department.
Nagtataka rin ang PITX kung bakit nakakalusot sa Pasay at Parañaque Traffic ang mga kolorum na jeep at provincial buses.
Facebook Comments