PITX, nakahanda na para sa Undas 2022

Nakahanda na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa seguridad ng mga pasahero sa darating na Undas 2022.

Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, sa ngayon ay nasa 120,000 ang average na bilang ng mga pasahero kada araw sa PITX at inaasahang tataas pa ito sa Undas.

Dahil dito, magkakaroon ng Malasakit Help Desk ang Department of Transportation (DOTR) simula October 31 hanggang November 4 sa main entrance ng PITX.


Maglalagay rin ang Philippine National Police (PNP) ng 24 oras na posting at karagdagang K9 units para lalo pang paigtingin ang seguridad sa paligid ng terminal.

Samantala, isasailim naman sa heightened alert ang lahat ng operating units ng Philippine Coast Guard (PCG) simula October 24 at magpapakalat rin ng 12,000 PCG personnel bilang paghahanda sa darating na Undas.

Facebook Comments