PITX, normal na ang sitwasyon pagtakapos ng long weekend; Christmas season, pinaghahandaan na

Balik-normal na ang sitwasyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) matapos ang long weekend dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, normal average na ang gumagamit ngayon ng PITX sa normal ngayon.

Aniya, matapos kasi ang mahabang bakasyon naghiwalay-hiwalay din ang pasahero na bumalik naman sa Metro Manila.


Sa kabila nito, pinaghahandaan na ng pamunuan ng PITX ang holiday season dahil inaasahan na ng nasabing terminal ang mas marami pang bilang ng maguuwiang ba-biyahe sa kanilang probinsya.

Samantala, sa kabuuan, naging mapayapa naman ang daloy at galaw ng sitwasyon sa isa sa pinakamalaking terminal sa Metro Manila at aminado ang pamunuan na ipagpapatuloy ito para sa ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero.

Facebook Comments