Piyansa ni dating Rep. Walden Bello, pinoproseso na- QCPD

Sumasailalim na sa proseso upang makapag-piyansa si dating Akbayan Party-list Representative at Vice Presidential Candidate Walden Bello.

Ayon sa hepe ng Police Station 8 ng Quezon City Police District (QCPD), inaasikaso na ng mga abogado ni Bello ang kaniyang paglalagak ng piyansa.

Aabot sa P48,000 ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Bello.


Matatandaang, nag-ugat ang pagkakaaresto kay Bello sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 10 ng Davao City Regional Trial Court, ito ay bunsod sa kasong Republic Act 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2012 na isinampa ni dating Information Chief ng Davao City na si Jeffrey Tupas.

Sa sandaling maglabas ng release order ang korte, makakalabas na sa custodial facility ng QCPD si Bello.

Facebook Comments