Piyansa sa kasong cyber libel, inihahanda na ng kampo ni alyas Bikoy

Mananatiling nakakulong si Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy matapos sumuko nang silbihan ng warrant of arrest sa cyber libel case na inihain ng negosyanteng si Zaldy Co, may-ari ng Misibis Bay Resort.

Nabanggit ang resort sa “Ang Totoong Narco-list video.”

Ayon sa abogado ni Bikoy na si Atty. Larry Gadon – nagtakda ang korte ng 10,000 pesos na piyansa.


Ang piyansa ay kailangang maipadala sa Legazpi Court kung saan inisyu ang arrest order laban kay Advincula.

Aniya, inihahanda na ng pamilya ni Advincula ang inirekomendang piyansa.

Pinanindigan din ni Gadon na napilitan lang magsinungaling si Bikoy.

Mariing itinanggi ni dating Senator Antonio Trillanes ang mga paratang ni Bikoy.

Itinuturo siya ni Bikoy na nasa likod ng mga video kapalit ang 500,000 pesos.

Pero inamin niyang nagkita sila ni Bikoy ng tatlong beses para suriin kung totoo ang mga sinasabi nito.

Masyado rin aniyang maliit ang kalahating milyong pisong suhol para banggain ang Pangulo.

Facebook Comments