Pizza party para sa mga pulubi, inorganisa ng high school graduate

31
Image via CNN

Ipinagdiwang ni Leanne Carrasco ang kaniyang high school graduation sa pamamagitan ng pizza party para sa mga homeless sa Houston, Texas.

Bumili siya ng 95 na boxes ng pizza na tiyak na nakakain ang 200 na katao.


Una nang volunteer si Carrasco kasama ang pamilya at kaibigan sa Star of Hope Family Development Center.

Nagbigay rin sila ng libreng toothbrush, toothpaste, deodorant para sa mga benepisyaryo.

Ayon sa kaniyang panayam sa CNN, sinabi niyang hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na tulad sa kaniya.

“Not a lot of people have the same options as me. It’s not fair. There are a lot of people who need help. So I give it.”

“I think you should always know you’re lucky to have what you have. Don’t take that for granted and continue to give,” dagdag niya.

Facebook Comments

From Advertisers