Placement flights para sa mga pasaherong apektado ng kanselasyon ng bihaye dahil sa bagyong Tisoy – inilabas ng mga airlines company

Kanselado pa rin ang ilang international at domestic flights sa Ninoy Aquino International Airports o NAIA ngayong araw ng Miyerkules, December 4 dahil sa bagyong Tisoy.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), aabot sa 40 flights ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Cebgo ang kanselado kaninang umaga.

Kahapon nang alas 11:00 ng umaga ay pansamantalang isinara ang Ninoy Aquino International Airports at muling binuksan ng alas 6:00 na nang gabi dahil sa bagyong Tisoy kung saan libu-libo flights ang naapektuhan.


Bunsod nito sa interview ng RMN Manila kay PAL spokesman Cielo Villaluna, sinabi nito na mayroon na silang itinakdang replacement flights para sa mga pasaherong naapektuhan ng kanselasyon ng biyahe.

Umapela din si Villaluna sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang upang malaman ang kanilang flight status.

Humingi naman ang pang-unawa si Cebu Pacific Corporate Communications Director Charo Logarta Lagamon sa mga pasahero kung mahirap matawagan ang kanilang mga hotline dahil na rin sa dami ng mga tumatawag para magpa-rebook.

Umapela rin ang mga airlines company sa mga pasahero na huwag munang pumunta sa paliparan hangga’t hindi nakukumpirma ang kanilang flights bookings.

Facebook Comments