PLAKA | LTO, balak bumili ng sariling makina para sa pagpapagawa ng plaka

Manila, Philippines – Plano ng LTO na bumili ng sariling equipment para sa pagpapagawa ng motor vehicle plates.

Ayon kay LTO Chief, Asec. Edgar Galvante ang naturang makina ay ilalagay sa loob ng kanilang compound sa Quezon City.

Bagamat hindi binanggit ni Galvante kung kailan ang procurement at halaga nito, sinabi niya na makatitipid ang ahensya kapag may sariling vehicle plate production.


Sinabi pa ni Galvante mayroong backlog na aabot sa anim na milyong plaka mula Hulyo 2016.

Sa ilalim ng kasalukuyang kontrata sa supplier, inaasahang makakagawa sila ng higit 700,000 plaka para sa four-wheeled vehicles habang 1.8 million na plaka para sa mga motorsiklo.

Facebook Comments