Ipinahayag ng Land Transportation Office (LTO) na available na ang lahat ng plaka para sa mga sasakyan, kasabay ng mas mabilis at madaling proseso ng pag-claim gamit ang eGovPH app.
Alinsunod ito sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na gawing mas episyente ang pamamahagi ng mga plaka.
Sa Region 1, inilunsad ang mga digital na hakbang upang mapalapit sa publiko ang serbisyo ng ahensya.
Sa bagong sistema, maaaring i-check ng mga motorista ang availability ng kanilang plaka at sundan ang step-by-step guide sa eGov PH app. Bukod dito, pwede ring gamitin ang LTO Plate Tracker para matukoy kung kailan at saan maaaring kunin ang plaka.
Patuloy ang panawagan ng LTO sa publiko na i-avail ang bagong online services upang maiwasan ang abala at masiguro ang mabilis na pagkuha ng plaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Patuloy ang panawagan ng LTO sa publiko na i-avail ang bagong online services upang maiwasan ang abala at masiguro ang mabilis na pagkuha ng plaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






