Plakang ilalagay sa harap ng mga motorsiklo, sticker o decal – LTO

29

Hindi gawa sa metal ang plakang ilalagay sa harap ng mga motorsiklo.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Edgar Galvante – stickers o decals ang ididikit sa harap ng mga motorsiklo.

Pinag-aaralan na rin ng LTO ang tamang sukat ng number plate sa harapan.

Susundin naman ng ahensya ang mungkahi ni Pangulong Duterte na palakihin ang kasalukuyang size ng plaka sa likuran ng mga motorsiklo.

Nabatid na ipinoprotesta ng motorcycle riders ang probisyon sa ilalim ng Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act kung saan inaatasan ang mga motorsiklo na magkaroon ng dalawang plaka, isa sa harap at isa sa likod.

Iginigiit ng mga riders ang kanilang kaligtasan dahil delikado kung metal license plate ang ikakabit sa harap ng kanilang motorsiklo.

Facebook Comments