PLANADO? | AFP, kumbinsidong planado ang pagpatay sa 9 na magsasaka sa Sagay, Negros Occidental

Manila, Philippines – Kumbinsido ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na planado ang pagpatay sa siyam na sugarcane farmers sa Sagay, Negros Occidental.

Sa isang press conference, sinabi ni AFP Chief General Carlito Galvez Jr. na bahagi talaga ito ng pumalpak na “Red October” plot laban sa administrasyong Duterte.

Lumalabas kasi aniya sa kanilang imbestigasyon na ipinain ng CPP-NPA ang siyam na magsasaka.


Nabatid na walo sa siyam na biktima ay mga bagong recruit lang na miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) kung saan binayaran sila ng P500 kapalit ang pangakong isang ektaryang lupain sa Hacienda Nene.

Bukod sa Sagay Massacre, naniniwala rin si Galvez na bahagi ng Red October plot ang nangyaring ambush sa convoy at police escort ni FDA director general nela puno sa Lupi, Camarines Sur.

Isang araw lang matapos ang mga pagpatay, kapansin-pansin aniya na nakapagkasa agad sila ng mga kilos protesta.

Pero nang tanungin kung ano ang ebidensya ng AFP na kagagawan nga ito ng CPP-NPA, sinabi ni Galvez na nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments