PLANADO | Sampu patay sa shooting incident sa Santa Fe High School sa Texas

Texas – Patay ang sampung katao habang sugatan ang sampung iba pa sa nangyaring shooting incident sa Santa Fe High School sa Texas.

Kabilang sa mga nasawi ay siyam na estudyante at isang gruo kung saan naaresto din ang 17-anyos na suspek na si Dimitrios Pagourtzis na nag-aaral din sa nasabing paaralan.

Ayon sa mga otoridad, ginamit ng suspek ang isang shotgun at .38 revolver na pag-aari ng kaniyang ama.


May mga pampasabog din ang natagpuan malapit sa lugar na isang uri ng “co2 device” at “molotov coctail” habang nabawi sa suspek ang kaniyang student diary, computer at mobile phone na nagpapakitang planado nito ang ginawang pag-aatake.

Facebook Comments