Plaridel, Bulacan – Nailibing na ang limang residenteng nasawi matapos
mabagsakan ng nag-crash na eroplano sa Plaridel, Bulacan noong sabado.
Mahigit 100 mga kaanak, kaibigan at mga kapitbahay ang nakiramay sa pamilya
Dela Rosa.
Matatandaang kabilang sa mga nasawi sina Rissa Santos Dela Rosa, kanyang
ina na si luisa santos at mga anak na sina John Noel, Timothy at Trish.
Pasado alas dos kanina nang dumating sa simbahan ang mga labi ng mga
biktima para alayan ng misa.
Samantala, sinuspinde muna ng Civil Aviation Authority of the Philippines
(CAAP) ang operator ng bumagsak na aircraft.
Ayon sa CAAP – mananatiling suspendido ang Lite Air Express habang
hinihintay ang resulta ng ginagawa nilang imbestigasyon.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>