PLANE CRASH | 9 na Pilipinong sakay ng eroplanong bumagsak sa Micronesia, ligtas – DFA

Ligtas ang siyam na Pilipinong seafarers na nakasakay sa eroplanong papunta sana sa Papua New Guinea.

Sa ulat, bumagsak ang eroplano sa karagatan matapos mag-overshoot sa runway sa Micronesia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tumutulong na sila sa siyam na Pilipinong kasama sa 47 pasahero ng Air Niugini.


Isang pasahero ang naiulat na nawawala habang ligtas naman ang 46 na pasahero at mga crew ng eroplano.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang ahensya ng Air Niugini para marekober ang mga bagahe ng ating mga kababayan.

Facebook Comments