PLANE CRASH | Costa Rica President, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima

Costa Rica – Nagpaabot ng pakikiramay si Costa Rica President Luis Guillermo Solís sa pamilya ng mga nasawing pasahero ng nature air single-propeller cessna 208 caravan na bumagsak sa western Costa Rica.

Kinumpirma ni Solis na may 12 ang nasawi matapos ang plane crash.

10 sa mga biktima ay US citizens habang ang dalawa ay ang Costa Rican pilot at co-pilot nito.


Ayon sa mga opisyal, pabiyahe sana patungong punta Islita Resort ang eroplano na mula Pang San José.

Nabatid na ang isa sa mga namatay ay pinsan ni dating Costa Rica President Laura Chinchilla.

Facebook Comments