Bulacan – Patay ang sampung tao kabilang ang tatlong menor-de-edad sa
pagbagsak ng isang light aircraft sa residential area sa Barangay Lumang
Bayan, Plaridel, Bulacan.
Kinilala ang mga biktimang sina captain Ruel Meloria, piloto ng six-seater
piper pa-23 apache aircraft; chief mechanic na si Romeo Huenda; mga
pasaherong sina Alicia Necesario; Maria Vera Pagaduan at Nelson Melgar.
Namatay din sa trahedya sina Rissa Dela Rosa, mga anak nitong sina John
Noel, 17-anyos; Timothy Noel, 10-anyos; Krissa, 7-anyos at kanilang lolang
si Luisa Santos, 75 taong gulang.
Ayon sa Bulacan risk reduction and management office patungo sana sa Laoag
City, Ilocos Norte ang eroplanong ino-operate ng lite air express nang
bigla itong bumagsak sa bahay nina Dela Rosa.
Grounded muna sa ngayon ang mga eroplano ng lite air express habang
nagsasagawa ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the
Philippines (CAAP).
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>