PLANE CRASH | Terror attack, dahilan ng pagbagsak ng Russian plane?

Russia – Pahirapan ang pagrekober ng mga otoridad sa pitumpu’t isang pasahero nang bumagsak na Russian airlines.

Ilan sa mga nakikitang problema ay ang makapal na yelo sa lugar na pinagbagsakan ng eroplano sa bayan ng Argunovo, ang kalapit na bayan ng Moscow.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano na kabilang sa iniimbestigahan kung ito ay human error, technical error o kaya dahil sa weather condition.


Hindi rin tinatanggal ng mga otoridad ang anggulo na isang uri ng pag-atake ng terorista ang naganap sa pagbagsak ng eroplano.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang embahada ng Pilipinas sa mga pamilya ng mga nasawi habang patuloy namino-monitor ang development sa nag-crash na eroplano.

Facebook Comments