PLANO | Boracay gagawing family-oriented destination

Aklan – Nais ng Department of Tourism Western Visayas (DOT 6) na gawing family-oriented destination ang isla ng Boracay sa pagbubukas nito tatlong buwan mula ngayon.

Ayon sa DOT mas nakikita ngayon ng kagawaran ang isla bilang isang family-oriented destination, kumpara sa dating imahe ng Boracay na isang party place.

Bago isara ang isla sa mga turista noong Abril 26, ang night life sa Boracay ay karaniwang nagsisimula ng alas nueve o alas dies ng gabi, hanggang sa madaling araw ng susunod na araw.


Sinabi ng ahensya na hindi na ito magiging tulad ng dati, dahil nakikita ng kagawaran hindi lamang isang bagong Boracay, kundi isang bago, mas mabuti at magandang Boracay.

Sa usapin naman kung magpapatupad ng curfew sa isla, sinabi ng opisyal na iniiwan nila ang desisyon sa lokal na pamahalaan.

Gayunpaman, dahil itinutulak ng ilang sektor ang isang wholesome family destination isinasaalang-alang ng DOT ang pagpapatupad ng curfew bilang isa sa mga opsyon na dapat imungkahi.

Facebook Comments