Manila, Philippines – Nagsasagawa na ang Dept. of Agriculture (DA) at Dept. of Trade and Industry (DTI) ng computation kung magkano ang ipapataw na halaga sa mga basic commodities tulad ng bigas, gulay at isda na itatakda sa Suggested Retail Price (SRP).
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol – layunin nito na maiwasan ang overpricing sa merkado.
Giit ng kalihim – ginagamit ng mga negosyante ang train law bilang palusot na taasan ang mga ibinebenta nilang agri products.
Sa ngayon, nagpapataw ang gobyerno ng P1,000 hanggang p1 million sa mga nagbebenta ng kanilang produkto na lagpas sa itinakdang SRP.
Mayroon nang itinalagang technical working group na sisilip sa usapin na ito.
Target na mabuo ang SRP ngayong Linggo.
Facebook Comments