PLANO | Major revamp sa NLEX Road Warriors, sisimulan ni Coach Yeng Guiao

54

Plano ngayon ni Coach Yeng Guiao na magsagawa ng major revamp sa NLEX Road Warriors matapos ang fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Guiao, kung kailangan i-trade ang mga draft picks ay gagawin niya ito makakuha lamang ng malalaki at dekalidad na mga players.

Nagdadalawang isip na din si Coach Yeng kung papipirmahin muli ang ilang players nito na mag-e-expire na ang kontrata sa kanilang team kung saan na-dismaya siya sa mga ito matapos ang 111-75 na pagkatalo sa quarterfinals game laban sa Barangay Ginebra.

Nabatid kasi na tila nakukuntento na lamang daw ang mga ito makaraang makapasok sa final-8 at parang walang planong makakuha ng kampeonato.

Facebook Comments