Ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang plano ng Commission on Audit (COA) na gawing digitalize na ang proseso ng state audit pagsapit ng pitong taon.
Ayon sa CHR, ang pagpapaunlad sa kapasidad ng COA ay tiyak sa pagkakaroon ng accountability o pagpapanagot sa mga sangkot sa pagwaldas sa kaban ng bayan.
Sa pamamagitan nito ayon sa CHR, mas magkakaroon ng transparency o bukas sa publiko ang mga audit activities, mapaghuhusay ang mga operasyon sa lahat ng sangay ng gobyerno at mapoporotektahan ang pondo ng bayan.
Sa 2023 Strategic Planning Conference ng COA, sinabi ni Chairperson Gamaliel Cordoba, magkakaroon ng capacity-building para sa COA auditors at mga tauhan upang i-update ang kanilang accounting at auditing rules.
Pupunuan din ng COA ang 5,000 na vacant positions nito para tumulong sa pag-audit ng mga Public-Private Partnership projects at mga proyekto ng mga public utilities.