Plano ng DepEd na magpatupad ng Saturday classes, tinutulan ng ilang kongresista

Hindi sang-ayon si Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Representative Janette Garin sa plano ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng Saturday classes bilang bahagi ng adjustment period sa pagbabalik ng dating school calendar para sa school year 2024-2025.

Paliwanag ni Garin, ang Saturday classes ay magiging dagdag gastusin lamang sa mga guro at magulang, makakabawas sa oras sa pamilya ng mga mag-aaral at makaka-apekto rin sa iba pang aktibidad para sa personality development ng mga estudyante.

Binigyang diin naman ni Bataan Representative Geraldine Roman na ang araw na walang pasok tuwing weekend ay mahalagang igugol sa pamilya at malaking tulong din sa mental health ng guro at mga estudyante.


Facebook Comments