Plano ng DepEd na random drug testing sa mga high school students sa bansa, aprubado na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng Department of Education na isailalim ang mga high school students sa random drug testing ngayong school year.

Ito ang kinumpirma ni DepEd Secretary Leonor Briones, matapos niyang ipresenta sa cabinet meeting nila nitong Miyerkules ang guidelines ng nasabing drug testing.

Nabatid na halos dalawampung libong estudyante ang subject sa random drug test para malaman kung ang mga ito ay hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.


Bago man umpisahan ito ay magsasagawa muna ng parents teacher conference ang DepEd para magbigay kaalaman sa magandang dulot nito sa mga estudyante.

Facebook Comments