Plano ng DOH na i-ban ang mukbang, pinalagan ng ilang vlogger

Pagtuunan na lamang ng pansin ang iba pang isyu.

Ito ang panawagan ng ilang vlogger, matapos ang pahayag kamakailan ng Department of Health (DOH) na ikinokonsidera nang ipagbawal ang mukbang.

Ayon kay Eric Tubiera na kilala rin bilang Ewic Mukbang sa social media, mas maraming dapat pagtuunan ng pansin ang DOH gaya ng mga sigarilyo at alak na mas nakakasama sa kalusugan ng tao.


Nakakatulong din umano ang ginagawa nilang pagmumukbang lalo na sa mga walang ganang kumain at sa mga maliliit na negosyo kung saan sila kumukuha ng mga pagkain.

Sa halip aniya na vloggers ang puntiryahin ay dapat palakasin pa ng DOH ang kampanya sa pinggang Pinoy o ang pagkaing nasa Go, Grow and Glow.

Una nang sinabi ng kagawaran na plano nilang i-ban ang mukbang sakaling mapatunayan na ito ang sanhi ng pagkasawi ng vlogger na si Dongz Apatan.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, pino-promote kasi ng mukbang ang overeating na hindi healthy at nagdudulot sa obesity, hypertension at maging atake sa puso.

Facebook Comments