Plano ng DOLE sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho, kinuwestiyon ng grupong Nagkaisa Labor Coalition

Kinuwestiyon ng grupong Nagkaisa Labor Coalition ang plano ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, nakakabahala umano ang bilang ng mga Pilipinong manggagawa na nawalan ng trabaho kung saan base sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot na sa 7.3 milyong Pilipino ang walang trabaho.

Paliwanag ni Atty. Matula, kinuwestiyon nito si Bello kung ano talaga ang tunay na larawan ng employment status ng mga manggagawa at nasaan na umano ang employment plan ng kalihim.


Dagdag pa ni Matula, mahigit 100 libong mga jeepney driver sa Metro Manila ang nagmamakaawa na sa gobyerno dahil hindi na sila nakapagmamaneho dahil ang pina-prayoridad ng pamahalaan ay ang modernong jeep.

Giit pa ni Atty. Matula, mahigit 50,000 na Overseas Filipino Workers (OFW) ang pinauwi na sa bansa.

Mahigit sa 160,000 ang naistranded sa ibang bansa, kung saan tinatayang mula sa 500,000 hanggang 1 milyong mga OFW ang mawawalan ng trabaho at maraming pang ibang mga suliranin ng mga manggagawang Pilipino na dapat tugunan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Facebook Comments