Plano ng mga Duterte na tumakbo sa Senado, agad kinondena ng isang kongresista

Agad kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang aniya’y plano ng mga Duterte na palawigin pa ang kanilang kapangyarihan at posisyon sa pulitika.

Reaksyon ito ni Castro sa sinabi ni Vice president Sara Duterte na tatakbo sa 2025 senatorial elections ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kapatid na sina congressman paolo duterte at Davao city mayor baste duterte na tatakbo din sa pagkapangulo sa 2028.

Dismayado si Castro na ginagawa na umanong negosyo ang pagtakbo sa posisyon sa gobyerno hindi lang para mangurakot kundi para pagtakpan din ang mga kasalanan nila sa mamamayan.


Ayon kay Castro sa nabanggit na pahayag ni VP Duterte ay makikita na magiging all out na ang bakbakan sa pagitan ng dalawang paksyon ng naghaharing uri sa pagitan ng mga Duterte na backer ang Tsina at ang mga Marcos na US ang backer.

Bunsod nito ay nanawagan si Castro sa mamamayang Pilipino na maging mapagbantay at huwag hayaan ang anumang pagpapalawig ng political dynasties at pag-monopolyo sa kapangyarihan.

Facebook Comments