Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na posibleng isailalim sa land reform ang isla ng Boracay.
Kasunod na rin ito ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay mga lupain ng isla sa mga magsasaka.
Ayon kay Environment Usec. Jonas Leones, batay sa Presidential Proclamation no. 1064 idineklara noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang forest land ang higit 400-hektarya ng isla, habang nasa 628-hectares naman ang pinroklamang agricultural land.
Bagamat nauna na umanong kinontra ng mga stakeholders sa isla ang kautusan noon ng Pangulo ay pinagtibay naman ito ng Korte Suprema.
Sa ngayon, sinabi ni Leones na hindi mapaalis ang mga residente ng Boracay na may hawak ng titulong dated before June 12, 1945.
Isasama na rin anila ang Department of Agrarian Reform para masiyasat kung kwalipikado pang pagtamnan ng mga magsasaka ang uri ng lupa sa isla.