Plano Ni Duterte Na Pagresolba Sa Krimen At Ilegal Na Droga, Dapat Masuportahan Ng Batas

67

MANILA – Binigyang diin ngayon ni senate minority leader alan peter cayetano ang kahalagahan na maipasa ang batas para maisakatuparan ang pangako ni presumptive president rodrigo duterte para sa peace and order ng bansa.Ito ay ang pagtugon sa problema sa kriminalidad at pagkalat ng ilegal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan mula sa pagupo nito sa pwesto ngayong darating na june 30.Inihalimbawa ni cayetano na ilan lamang sa mga legislation o mga batas na kailangang kaagad ay maipasa ay ang susuporta sa ipapatupad ng duterte administration na curfew para sa menor de edad, liquor ban sa itinakdang oras, pagtaas sa sweldo ng pulis, at paglalaan ng pondo para pambili ng anti terorism equipment..

Facebook Comments