Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, dapat respetuhin ang anumang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakabuti para sa bansa.
Tugon ito ni Sotto sa pahayag ni Pangulong Duterte na posibleng palawigin niya hanggang Luzon at Visayas ang martial law na idineklara niya sa buong Mindanao.
Ipinunto ni Senator Sotto na bilang Pangulo ay si Duterte ang nakakaalam ng mga eksklusibong intelligence information.
Sabi ni Sotto, dahil nakaluklok sa pinakamataas na pwesto ay maraming nakikita at nalamanan si Pangulong Duterte na lingid sa kaalaman ng mga taong nasa ibaba niya.
DZXL558
Facebook Comments