Plano ni PBBM na pag-recycle sa tubig-ulan, isang mahusay na hakbang para sa isang kongresista

Para kay Makati City Second District Representative Luis Jose Angel N. Campos Jr., mahusay ang plano ni
President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na gamitin ang multibilyong piso mula sa annual budget para sa flood control projects.

Ito ay para kolektahin at i-recycle ang tubig ulan sa Metro Manila at gamitin sa patubig o irigasyon ng mga pananim sa mga katabing probinsya ng Kalakhang Maynila.

Diin ni Campos, kung makakapagtayo ang gobyerno ng bago at malaking stormwater reservoirs para sa farm irrigation ay maitutuon ng Angat Dam ang water reserve nito para sa pangangailangan sa tubig ng mga naninirahan sa Metro Manila.


Binanggit ni Campos na sa ngayon ay sa Angat Dam din nagmumula ang tubig para sa irigasyon ng nasa 28,000 ektaryang bukirin sa Central Luzon.

Ayon kay Campos, bukod dito ay Angat Dam din ang nagsusuplay sa 90 percent ng pangangailangan sa tubig ng buong Metro Manila.

Facebook Comments