Isa sa prayoridad ni Senator Lito Lapid ngayong bagong Kongreso ang edukasyon kaya ikinatuwa niyang kasama ito sa tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address o SONA.
Sang-ayon si Lapid sa plano ni PBBM na gawing ligtas at maayos ang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.
Ayon kay Lapid, dapat na maipatupad nang mahigpit ang safety protocols and measures sa mga paaralan para mapigilan ang muling paglobo ng kaso ng COVID-19.
Kaisa si Lapid sa plano ni Pangulong Marcos na implementasyon ng face-to-face classes upang matugunan ang hindi magandang epekto sa edukasyon ng pandemya.
Diin ni Lapid, napatunayan nang makabubuti sa physical and mental health at well-being ng mga estudyante ang face-to-face setting at makagagaan din sa panig ng mga guro at mga magulang.