Plano ni Senator Bato na imbestigahan din ang war on drugs, binatikos ng isang Makabayan solon

Para kay Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas, isang desperadong paraan para ilihis ang katotohanan at linisin ang sarili ang plano ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na imbestigahan din ang war on drugs.

Ipinunto ni Brosas, parang iimbestigahan nina Senator Bato at Senator Christopher ‘Bong’ Go ang kanilang mga sarili bilang pangunahing nasa likod ng umano’y mga patayang naganap at reward system sa ilalim ng drug war.

Giit ni Brosas, hindi tama na lustayin ang pera ng taumbayan para pagtakpan ang katotohanan sa war on drugs na ipinatupad sa ilalim ng administrasyong Duterte kung saan maraming buhay na nalagas.


Diin ni Brosas, wala na sanang paghuhugas-kamay na maganap dahil panahon na para harapin ng mga akusado ang hustisyang matagal nang panawagan ng mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings kaugnay sa ikinasang giyera kontra iligal na droga.

Facebook Comments