Posibleng isagawa ang state funeral ni Queen Elizabeth II sa Westminster Abbey sa loob ng 10 hanggang 11 araw mula ng pumanaw.
Pero nakatakda pang kumpirmahin ng Buckingham Palace ang eksaktong petsa kung kailan ito isasagawa.
Magsasagawa rin ng isang remembrance service para sa reyna, sa St. Paul’s Cathedral sa araw ng Biyernes, na dadaluhan ng mga prime minister at iba pang senior ministers.
At dahil sa Scotland namatay si Queen Elizabeth, ang kaniyang kabaong ay ilalatag sa St. Giles’ Cathedral sa Edinburgh kung saan papayagan ang publiko na magbigay ng tribute makalipas ang ilang araw.
Kasunod nito ay dadalhin ang labi ni Queen Elizabeth sa London at bubuksan din ito sa publiko sa huling apat na araw, sa Westminster Hall.
Sa libing ni Queen Elizabeth, magkakaroon ng 96 rounds of gun salutes bilang pagpupugay at marka ng bawat taon ng buhay ng reyna sa Hyde Park.
Matapos ang libing, ilalagay ng government buildings sa half-mast ang union flag hanggang sa kinaumagahan.
Ibabalik ang bandila sa full mast sa loob ng 24 oras batay sa Britain standard time sa araw ng sabado bilang hudyat ng proklamasyon ni King Charles III bilang bagong hari, at pagkatapos ay ibabalik din sa half-mast.