Plano sa kasal ni Aiai Delas Alas, nagkaroon ng pagbabago

Showbiz- Nagkaroon ngayon ng pagbabago sa wedding plans ang comedy queen na si Ai-Ai Delas Alas at ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.
Sa bagong plano, mauuna na ang church wedding dito sa Pilipinas at pagkatapos ay lilipad sila papunta ng Amerika para sa kanilang second wedding.
Say ni Aiai, uunahin nila dapat ang kasal sa U.S. para sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak na hindi makakapunta sa kanilang church wedding sa Pilipinas ngunit ayon sa kanyang abogado, baka ma pre-empt ang kanilang church wedding kung hindi ito ang kanilang uunahin.
Ngayon ay naghahanap na ang magkasintahan ng simbahan at lokasyon para sa kanilang pre-nuptial photo-shoot.

Facebook Comments